Patuloy na maglilingkod
Friday, September 1st, 2006Di ko man makita ang kagandahan
ng buhay ko, dito sa ibabaw ng mundong magulo
Akoy patuloy maglilingkod sa kanya
at kailan may di ako mangangamba
Kabiguan man lahat ng aking
Pangarap, mahal ko sa buhay
sa akin ay mawalay
Akoy patuloy maglilingkod sa kanya
At kailan may di ako mangangamba.
***
Pagkat aking alam, darating ang isang araw
Pangarap koy matutupad, walang sinomang hahadlang
Itoy sadyang ibinigay ni HESUS
sa akin, walang hanggang kasiyahan
doon sa kalangitan at di pangarap lang.
Sabihin man nila, akoy isang panatiko
at pagtawanan ng dahil kay HESU KRISTO
Akoy patuloy maglilingkod sa kanya
At kailan may di ako mangangamba